Tuesday, December 15, 2009

SoleMate

Oo, tama ang nabasa mo, SoleMate nga. SoleMate ang tawag sa mga taong hanggang ngayon naghahanap ng karamay sa buhay, sa makatuwid, sila yung mga taong hanggang ngayon ang tangging karamay ay ang sarili; sa makatuwid… mag-isa.

“If every person has a soul mate, then how come I still am alone?”
Malamang ito ang tanong nila; isang malamang tanong.

Ang totoo, tanong ko rin yan, isang malaking tanong na hindi ko mabigyan ng sagot. Hindi naman ako bobo kahit na, na sa tatlong tao ko bilang Atenista, ni hindi pa ako napabilang sa President’s o Dean’s list man lang; alam ko hindi ako bobo. Pero sa mga pagkakataong may mga tanong na gan’to, napapa-isip din ako, talaga nga kayang hindi ako bobo? Kung hindi, bakit hindi ko mapunan ng kahit kakarampot man lang na kasagutan ang tanong na ito. Hinid ko alam! Nakaka-asar!

Ang totoo kasi nyan, sa tingin ko kilala ko na saya, kilang kilala. Ang maganda pa, alam niya ang madarama ko, kaso lang… hindi pwede.
Gusto ko siya pero hindi pwede. Siguro nga mahal ko na sya, pero hindi pwede. Hindi talaga.

SoleMate, yun ako. Minsan nagtatanong ako, ‘god, are you fair?’ Bakit kasi kelangang madama ko pa ‘to kung mauuwi din lang naman saw ala. Para san pa ang mga panaginip ko kung hindi ko rin naman maaring gawing totoo?

Marahil hindi pa talaga sya…
Siguro may ibang nakalaan.
Marahil naiinip lang ako, marahil.

I don’t really wanna think that wala na rin akong karapatang mahalin; pero kung ganto rin lang naman, I don’t really know what to think. Bakit ba nariyan lang din naman siya pero kahit gumulong pa ang mundo ng makailang ulit, tila hindi ni minsan sa hinuha maaaring ako naman ang mahalin nya. Just today while we and two other friends are on a taxi to school I realized how improbable so much so impossible na matutunan nya rin akong mahalin. Katulad ng mga gulong ng taxing ‘yon; I am like the tire in front and he, the tire at the back; no matter how near, there would never be a time na magkakalapit kami, there would never be a time that he’ll love me the way I wish he’ll do.

SoleMate. Isang malungkot na scenario, isang malungkot na katotohanang kelangan kong tanggapin bukal man o labag sa nadarama.

Sa mga SoleMate, love is so universal and yet so universally misunderstood; kaya sori na lang. Siguro nga merong para sa bawat isa, or maybe not. 

ballpen (s)

Matagal tagal na rin nang una akong sumulat; hindi ko na nga matandaan kung ano ang mga nabuo ng mumunti kong mga kamay o kung may nabuo man lang ako, ang alam ko lang nagsulat ako. Hindi ko na rin tanda kung lapis ba na pagkalaki-laki o crayola ang unang mga pansulat sa nagamit ko; basta ang alam ko may ipinang-sulat ako.

People come and go. Ilang beses na rin akong nawalan ng mahal sa buhay, ilang beses na rin akong naiwan, iniwan, minsan ako mismo nang iwan; pero bakit para din silang mga ballpen o lapis o crayola o kung ano pa man, hindi ko na sila ganap na naaalala pero alam ko sa puso ko, minsa’y nagsulat akong kasama sila.

Marami-rami’t mahaba-haba na din ang kwento ng aking buhay; hindi ko na halos matandaan kung paano ko ito naisulat pero tandang tanda ko pa rin ang mga taong nakasama kong nagsulat nito. Para sa akin mga ballpen sila; kahit na ang iba’y naubisan na ng tinta, ang iba’y nahiram na ng ila’t hindi na nakabalik, ang iba’y nawala ko na lang ng hindi namamalayan pero marami sa kanila narito pa rin; paminsan-minsa’y nakakasama pang magsulat. gtec, parker, pilot, uni, panda, faber castel, crayola, monggol; alex, ivan, janet, kokkie, mama, ate jean, joey … marami-rami na sila, mahirap ng tandaan sa pangalan ngunit lahat naman ng mga panahong sabay kaming nagsulat, naaalala ko pa, bawat guhit, bawat punto.

May kanya kanya tayong kwento, kanya kanyang mga kaibigan, kaIBIGan at kung ano ano pa. Hindi ba’t parang mga ballpen din sila; malaki, maliit, mumurahin, mahal, may tinta, putol o kahit ano pa man; sila pa rin ang mga nakasama nating isulat ang kwento ng ating buhay. Sana lang kahit wala na sila o madalas hindi na makasama, maalala nating kahit minsa’y may isang ballpen na kasama nating nagsulat ng kwento ng ating mga buhay.

Sa mga ballpen ng buhay ko, salamat. And I do really hope to write more stories with you. 